Friday, November 2, 2012

Since you were gone ...


  1. Wala na kong kahati sa mga Buy One, Take One.
  2. Wala ng kakain ng "log" sa mga "silog" ko.
  3. Wala ng kakain ng gulay sa mga ulam ko.
  4. Wala ng mag-aaya saking mag-merienda ng kwek-kwek at libre ko.
  5. Wala na kong katabi sa booth sa McDo at sa kahit saang kainan.
  6. Wala na kong ka-date kapag wala sina Gee at Pat.
  7. Wala na kong date sa Valentines.
  8. Wala na kong kalaro ng DDR.
  9. Wala na kong kasama mag-videoke kapag wala si Gee at Pat.
  10. Wala na kong ka-duet sa "The Man Who Can't be Moved".
  11. Wala na kong ka-duet sa "She will be Loved".
  12. Wala ng mag-aaya saking gumawa ng cover.
  13. Wala ng mag-aaya saking sumayaw ng "Gangnam Style".
  14. Wala ng magpapaturo sakin ng "Teach me how to Dougie".
  15. Wala na kong katabi sa bus kapag may sleepover.
  16. Wala na kong katabi matulog bukod kay Gee.
  17. Wala na kong kukulitin kapag badtrip.
  18. Wala na kong hihiraman ng charger kapag wala akong dala.
  19. Wala ng magpapasama sakin bumili ng damit bukod sa brods siguro, kapag eleksyon na.
  20. Wala ng mang-aasar sakin na masama ako, lahat ng magsasabi sakin nun simula ngayon, yun talaga iniisip.
  21. Wala na kong pagbabalatan ng shrimp.
  22. Wala ng magpapasama sakin sa bahay nila kapag may kailangan siyang kunin.
  23. Wala na kong "batchmate".
  24. Wala ng sasama sakin kapag kailangan ko munang umuwi ng bahay 'tas umalis ulit 'tas super gabi na.
  25. Wala ng mangengealam ng laptop ko.
  26. Wala ng manghihiram ng cellphone ko para mag-piano.
  27. Wala na kong kalaro ng "Logo Quiz".
  28. Wala na kong ka-share sa payong kapag umuulan 'tas walang payong yung isa.
  29. Wala na kong kasabay maglakad.
  30. Wala ng magkukwento sakin tungkol sa mga kakaibang tao na nakakasalubong at nakikilala niya.
  31. Wala ng magtuturo sakin ng mga malalalim na Tagalog.
  32. Wala na kong taga-bitbit ng lab kit.
  33. Wala na kong matetext kapag late ako sa exam.
  34. Wala na kong sasabihan na nagseselos.
  35. Wala na kong kasabay magbayad ng pamasahe sa bus.
  36. Wala na kong kashare sa earphones sa byahe.
  37. Wala ng magpapatugtog ng music niya.
  38. Wala ng magsesave ng playlist niya sa laptop ko.
  39. Wala ng magjojoke ng corny.
  40. Wala ng maghahatid sakin sa sakayan ng bus kapag kaming dalawa lang.
  41. Wala na kong kasama kumain ng isaw.
  42. Wala na kong pagnanasaan na makitang topless :))))))))))))
  43. Wala na kong kashare ng towel sa mga outing.
  44. Wala na kong kashare sa drinks.
  45. Wala na kong kashare sa fries.
  46. Wala na kong bibigyan ng rice sa Chicboy.
  47. Wala na silang tatanungin sakin kapag may frat/soro event.
  48. Wala na kong ka-loveteam.
  49. Wala ng JayZee.
  50. Wala ng kaaway si Errick.
  51. Wala na kong itatagong ESF kasabay ng sakin.
  52. At wala na akong kasama sa mga picture tulad nito:

PS: Sure naman akong marami pa 'yan. Alam naman natin yun pareho. Wala lang, gusto ko lang magpost. 'Di ka naman namatay or anything, pero sabi mo nga, "Some things must not change even after everything has." Hindi ko man alam kung ano 'yung some things, sana kasama tayo dun. At kung ano man ung definition mo ng everything, para sakin, nothing has changed. Someone did, and it's you. Or something inside you did. Normally, pipigilan kong may magbago. Alam mo naman ako, gusto ko, gusto ko. Pero minsan, nakakasawa palang ipilit ung sarili mo sa isang sitwasyon na lahat ng tao dun, gusto na mawala ka na sa picture. Oh well. Sana masaya ka. Ako, papakasaya na lang din. Magaling naman ako dyan. Dear Friend? Bye, friend.

No comments: