Wednesday, October 26, 2011

On professors, subjects, majors, friends, blockmates and love.

*sana narerecord ko na lang thoughts ko. Katamad na din magtype*
I'm generally, mostly a happy person. At least I thought I was before everything started spiraling down for me.
Ayos naman simula ng sem ko. Akala ko kasi kaya ko. Masakit kasi ngayon, narealize kong hindi pala talaga. Masakit isiping lahat ng inakala kong nasakin after ng sem na to, wala. Nasa ibang tao, nagpapakasaya.
I've never been good at any Science subject EVER. Tanggap ko naman yun e. Pero etong sem na 'to, nang-asar pa. Pinamukha pa sakin. OO NA, BOBO KO SA CHEM. Thank you ha? Thank you for pointing out the obvious. Pero bakit ganun? Diba nag-effort naman ako ma-meet reqs ko sa'yo. Isang exam lang ung sobrang mababa. ISA LANG. 3pts. na lang ung kailangan ko para maipasa ung removals, 'di pa napagbigyan. Ngayon kailangan ulit kitang ulitin? Kelan mo ba maiintindihan na we're not made for each other? Na kahit ilang ulit pa, hindi kita matututunan!
Lec o Lab, wala. Walang maisagot sa exam. Maayos naman siguro class standing ko. Mababa lang talaga exams. Diba pwedeng sa class standing na lang i-base? Ayoko na kasi talagang ulitin. Buti sana kung 5 lang tapos hindi na uulitin e. Okay lang talaga. SANA.
Hindi naman kasi ako sanay mag-code sa papel. Umaasa lang ako lagi sa objective part 'pag ganun. Kaya nung un na lang ung sa exam, sobrang fail ako. Sana lang mahatak ng lab kasi hindi ko ine-expect madelikado dito.
Bakit kung ano pa ung hindi ko major, un pa ung nagpapadepress sakin? Okay naman ako sa majors ko, Math, CMSC. Pero bakit ambaba ng grade ko sa'yo eh halos maperfect ko na exams mo?! Kasing-grade ko lang mga passing lang ung exams?! HINDI KO TALAGA MATANGGAP! Ang sakit!
Katext kasi kita ngayon so medyo okay lang. Pero will I ever stop writing about you? And, will you ever know that I always write about you? Never ata sagot to both. At least, never sana talaga sagot sa latter. Alam mo, kaya siguro ang bitter ko kasi somehow, I want something you give to other people pero never to me. Respect is just an understatement e. Hiya, awa, pasensya, appreciation, pagmamahal (kahit in the slightest meaning lang). Wala, wala yan lahat. Nakakaiyak kasi sa iba nabibigay mo sakin lang talaga hindi. Hindi ko nga alam kung dapat akong matuwa kasi hindi na tayo nahihiya sa isa't isa o dapat akong mainsulto kasi wala ka na talagang hiya pagdating sakin. ALAM NAMAN NG LAHAT NA IBA UNG TRATO MO SAKIN E. Pero every time I try and talk to you about it, you always ask me why I'm comparing myself to others. How can I avoid it when sakin dapat kakaiba trato mo? In a good way. Kasi aminin man natin o hindi, I deserve that treatment more than anyone else! Pero hindi naman kita kontrolado e. Ung sarili ko, oo. Pero ikaw hindi. Hindi ko lang magets bakit hindi ko pa din kayang magbago sa'yo. Siguro kasi umaasa pa din akong isang araw marealize mo na andito lang ako, hindi ako umalis at aalis. Kaibigan mo ko e. Sasaluhin kita. Pero how would you realize this kung lagi kang pinagbibigyan ng mga tao? Magegets mo ba ever na hindi ka nila sasaluhin? Na hindi lahat ng bagay gagawin nila para sa'yo? ANG SAKIT SAKIT. Tapos sa 2nd sem, makikitira ka pa samin. Ay, K.
You were never the one I needed but you have always been the one I wanted. Wala lang, singit.
Nakakainis mga tao. Lagi na lang tinatago sakin mga bagay. ANO BANG MERON SAKIN AT HINDI AKO PWEDENG SABIHAN? Hello, pag ako me alam sinasabi ko sa inyo. Pero pag kayo, sa mga kaclose niyo lang sasabihin. Thank you ha? Ang hirap niyo kayang alagaan. Iwanan pala sa ere e. Mas kaya ko yan. HINDI NIYO MAN LANG BA NAAPRECIATE LAHAT NG NAITULONG KO SA INYO?! Ayos a. Sumbatan pa tayo.
Maldita na naman ako. Eh sorry kung ganto talaga ko. At least ako nagpapakatotoo.

PS: Hindi niyo alam ung feeling ng magigising ka tapos maaalala mo, bagsak ka sa 2 subjects na ni-remove mo at sobrang bagsak ung finals mo sa isa mong major so delikado ka, kaya matutulog ka na lang ulit. Kasi sa panaginip mo, masaya ka. Hindi ka naiiyak. Okay ka. Ang sakit, ngayon lang ako nadepress ng ganto. Gusto kong uminom. Ung walang katapusan.

No comments: