Friday, August 21, 2009

democracy and freedom:)

Kayraming buhay na ang ibinuwis ng mamamayan
Matamo lamang ang pinakamimithing kalayaan
Dugo, pawis, luha'y inialay sa mahal na bayan
Ng karapatan at kinabukasa'y maipaglaban

Mga Pilipino'y humingi ng reporma sa Espanya
Sa gyera kontra Hapon, walang takot ding sumagupa
Nagpumiglas, makawala sa tanikala ng Amerika
Sa ilalim ng batas militar, buong giting na nag-alsa

Tulad ng isang ibon ay walang tamis ang mabuhay,
Ganda man ng paligid ay mawawalan din ng saysay
Maging mga bulaklak ay hindi mapapansin ang kulay
Kapag nasa hawla ka't buhay ay 'di matiwasay

Daang taong pagdurusa'y nagtamo ng gantimpala
Iniluklok din sa wakas ang demokrasya sa bansa
Mamamayan ang pumipili ng sa baya'y mamahala
Nabibigay nito'y pantay na karapatan sa madla

Subalit kalayaang hawak nati'y hindi malulubos
Hangga't patuloy na sa ibang bansa tayo ay busabos
Hangga't sariling produkto sa paningin nati'y menos
'Di natin masasabing tayo nga'y totoong natubos

Kaya nga 'di dapat maging kampante ang taumbayan
Nararapat lamang kalayaan ay ating bantayan
Sa isip, gawa't wika atin sanang patunayan
Sa ugat ng Pilipino'y nananalaytay ang kagitingan

Ang kalayaa'y isang biyaya ng Diyos sa tao
Mapalad ang Pilipino at ito'y ating natamo
Hindi kayang tumbasan ng anumang salapi o ginto
Maging kapangyarihan at kayamanang dulot ng mundo

We worked soo hard on this piece and I hope we win this Thursday:) Wish us luck! Thanks:)

2 comments:

Unknown said...

friend original piece niyo to? may ganito rin kasi sa libro namin ngayon :))

Unknown said...

march 2009 napublish ang book namin :)))))))))